From Yugatech, an open letter to Lt/SG Antonio Trillanes IV. It’s a joke of twofold funniness; obtuse jabs against the mutineers, alongside a not-so-subtle parody of showbiz-induced upper-class Filipino cluelessness about the political issues involved.
Mahal kong Lt. SG Antonio Trillanes IV,
Magandang umaga. Nawa’y maigi ang iyong kalagayan d’yan sa stockade. Magpahinga ka muna bago ka humarap sa court martial. Hindi bale nang litisin ka, nakapag-stay sa naman sa Oakwood, samantalang kami, pinaasa mong walang pasok ngayon. KJ ka talaga.
Sinulat ko ang liham na ito para puriin ka sa iyong kagitingan na ipaalam sa buong sambayanang Pilipino ang kabulukang nangyayari sa ating Gobyerno.
Mabuhay ka.
Ang problema nga lang, alam na namin lahat iyon, Kapitan Trillanes. Hindi na ninyo kailangan pang magtanim ng bomba at magpapogi sa inyong mga
fatigues para lang ipaalam sa buong madla na may mga katiwalian sa gobyerno.
Hindi tuloy ako nakapanood ng Terminator 3, eh malapit nang mawala sa sine ‘yon. Okay sana kung nagbakbakan kayo ng mga sundalo ng gobyerno.
Mala-THE ROCK saka DIE HARD sana ang nangyari. Kaso, nagsisisigaw lamang kayo sa lobby ng Oakwood. Para ano pa ang inyong mga armband? Sabagay pwede na kayong magtayo ng boutique na ang brand name ay Magdalo.
Pwde kayong magtinda ng mga armbands, fatigue-inspired pants, caps at shades. Ipwesto nyo dyan sa Oakwood para strategic ang location at may sentimental value pa. Bebenta kayo, promise.
Sa launch ng inyong boutique, pwede kayong maglagay ng mga bomba sa parking lot tapos magpaparty kayo doon. Masaya di ba?
Mabalik tayo sa layunin ng liham na ito. Yung sinasabi mong nagbebenta si Secretary Reyes ng bala sa mga rebelde, aba, lumang balita na ‘yan. Alam na naming mga ordinaryong tao yan. Bakit? Kaugalian na nating mga Pilipino ang mag-sideline di ba? Sa opisina nga
namin may nagtitinda ng tsinelas, beads, tocino, tapa, muffins saka bags.
Eh hayaan mo nang magbenta si Secretary Reyes ng bala sa kanila, baka gawang Taiwan lang naman yung mga bala na ‘yon. Mahirap buhay eh, magkano lang naman sweldo ni Secretary Reyes. Malamang lumilihis yung mga bala o kaya puro supot.
Yun namang sinasabi mong si GMA ang nag-utos ng pambobomba sa Davao, alam na rin naming mga Pilipino ‘yon. Kaw naman, Kapitan Trillanes, sa
pagka-tsismoso nating mga Pilipino, sino ba naman hindi nakakaalam na gobyerno gumagawa ng mga kalokohang ‘yon?
Plaza Miranda, Jabidah Massacre, pagpatay kay Ninoy, Rizal Day bombings, At kung anu-ano pang kababalaghan, alam na naming gobyerno gumagawa. Hindi naman kami istupido noh! Sabi nga ng mga taga-Assumption, “We’re not like tanga naman…”
Ang drama-drama mo masyado, eh kami namang mga ordinaryong tao tinatawanan na lang mga katiwalian sa gobyerno. May linya ka pang “we’re ready to die for our principles.”
Huuu…if I know, gusto mo lang magpa-spa sa Oakwood kasi sira na ang iyong kutis dahil sa kagat ng lamok sa Basilan. Dapat sinabi mo na lang sa akin, may murang spa dyan sa Quezon Avenue, may “extra” pa.
Ayan tuloy, nagsara Glorietta ng isang isang araw. Lagot ka, milyon Nalugi sa mga Ayala. Baka pabayaran lahat sa ‘yo yan. At saka naman Kapitan Trillanes, next time kayo magta-take over ng anumang lugar, ‘wag naman sa mall. Hindi bagay sa inyong mga fatigues and armbands. Sino ba scriptwriter ninyo? Tsugiin! Mali ang location ng action! Ni walang symbolic o strategic meaning ang Oakwood.
Hindi kayo nanood ng THE ROCK ano? Hay nako, may pasok tuloy ngayon. Nabitin kami. Pogi points ka pa sa mga girls kasi ang guapo mo sa fatigue. Yun nga lang, you didn’t die for your principles. May paiyak-iyak and hug pa kayo.
Kaya kayo tinatawanan ng Abu Sayyaf, malalambot ang puso ninyo, madrama kayo masyado. Ganyan ba kayo sa Basilan? ‘Pag rat-ratan na, nagyayakapan na lang kayo at umiiyak? God, it’s so nakakahiya naman to the enemy.
Hay nako, Kapitan Trillanes, mag-direct ka na lang ng pelikula ha? Tingin ko mas magaling ka pa kay Ang Lee kasi militar ka talaga. Maganda yung mga subplots na naisip mo. Maganda rin yung mga dialogue mo.
‘Pag nag-direct ka na ng movie, make sure may bakbakang matindi sa huli. Yung tipong mawawarak yung buong building. Yun, mas exciting, hindi yung katulad kahapon.
Nagmamahal,
Ang iyong tagahanga
In related news, the poor hungry mutineers are consumers, too.
(Yuga was the guy who replaced me as web executive at MyPhilippines.com when I left the position to pursue greener pastures with New Media Archives in 2000. From his own site and his work on Pinoyblog.com, you can see he has an eye for the trade.)